Disyembre 12, 1969 nang lisanin ng Philippine Civic Action Group, na binubuo ng 1,350 lalaki, ang South Vietnam.

Kabilang sila sa Free World Military Forces na binuo ni dating United States (US) President Lyndon Johnson upang humikayat ng mas maraming kaalyado para sa South Vietnam.

Isinagawa ng grupo ang kanilang operasyon sa isang kampo malapit sa probinsya ng Tay Ninh matapos silang dumating sa Vietnam noong Setyembre 1966. Kabilang sa mga grupo ang medical at rural community development teams, engineer construction battalion, logistics at headquarters formation, at security battalion.

Ninais ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na makatanggap ng tulong-pinansiyal mula sa Amerika sa pagpapadala ng mga tropa sa Vietnam.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Gumawa ng paraan si Johnson upang magkaroon ng isang international consensus sa kanyang mga polisiya sa Vietnam.

Gayunman, nabigo siya, at isa ang Pilipinas sa limang bansa lang na tumugon kay Johnson.