Imbestigasyon sa bumigay na kisame sa NAIA, nagpapatuloy—NNIC
Nagpapatuloy ang imbetigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang sanhi sa bumigay na kisame sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, ayon sa New NAIA Infra Corp. (NNIC). Sa inilabas na pahayag ng NNIC, bumigay ang kisame dakong 10:43 ng umaga nitong Biyernes Santo, Abril 3, na naging sanhi ng pagkasugat ng pitong (7) indibidwal. Nasa maayos naman nang kalagayan ang mga sugatan....