Hayagang inamin ni Popstar Rock Royalty Yeng Constantino ang paghanga niya noon kay “It’s Showtime” host Ryan Bang.
Sa isang Facebook post ng Philippine Concerts kamakailan, mapapanood ang kuhang video mula sa 20th-anniversary concert ni Yeng na "Biyaheng Bente" na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi rito ni Yeng ang tunay na nangyari umano sa pagitan nila ni Ryan.
“'Yong kay Ryan kasi, nangyari sa amin, sineenzone niya ako. Crush na crush kita no'n," saad ni Yeng.
Dagdag pa niya, “Sa sobrang gusto ko siya, basta pumunta ka lang sa restaurant akong bahala sa 'yo kasi crush kita, e.”
Bukod dito, itinanggi rin ni Yeng ang espekulasyon na gimik lang umano ng “It’s Showtime” ang ungkatan nila ng past ni Ryan.
Maki-Balita: 'YengBang' love story parang 'Aldub', gimik lang ng 'nalalaos' na 'It's Showtime' -- Xian Gaza
Aniya, "Akala nila gimik 'yon sa 'Showtime' na para bang gumagawa tayo ng chismisan para sa rating daw, gano'n. Hindi talaga. Sobrang random. Parang hindi ko alam anong nangyari sa sarili ko."
Sa kasalukuyan, happily married na si Yeng sa mister niyang si Yan Asuncion. Ikinasal sila noong Pebrero 14, 2015 sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.
Samantala, si Ryan naman ay single na ulit matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na sila ng fiancée niyang si Paola Huyong.
Maki-Balita: Ryan Bang, single na; tinangging nangaliwa