September 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sarah G, nag-flex ng new hair color; kinulit kung totoong preggy na!

Sarah G, nag-flex ng new hair color; kinulit kung totoong preggy na!
Photo courtesy: Sarah Geronimo (FB)

Usap-usapan ang pagbida ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang new hair color, sa unang araw ng Setyembre, sa pamamagitan ng pag-share ng ilang selfies niya.

Sa social media posts ng misis ni Matteo Guidicelli nitong Martes, Setyembre 1, makikitang nag-mirror selfie si Sarah habang nakaupo, na maipagpapalagay na sa loob ng isang salon.

Nag-selfie din si Sarah habang tila nasa loob ng sasakyan.

"Enjoyed taking selfies! Love my new hair color! Hello September!" mababasa sa caption ng post.

Siyempre pa, marami sa mga netizen ang pumuri sa simpleng biyuti ni Sarah, at bet pa ngang gayahin ng ilan.

Tsika at Intriga

Ermats ni Sachzna Laparan, bumwelta kay Angelica Jones sa isyu ng 'Miss Flawless'

Hindi rin nakawala sa mga netizen ang simpleng cellphone ni Sarah na ginamit niya sa pagkuha ng selfie. Pinuri pa rin nila ang award-winning singer-actress sa pagiging simple nito.

Pero nakakaloka naman ang ilang mga netizen dahil kinulit nila si Sarah kung totoo bang buntis na siya, ayon na rin sa mga kumakalat na tsika at ulat sa mga nagdaang araw.

Maki-Balita: Sarah Geronimo, pinaghihinalaang buntis na

Naging usap-usapan din kasi ang pag-flex ng mister niya sa isang video clip kung saan nahagip ang isang monitor na makikita ang pagpapa-ultrasound, na kalaunan, kay Matteo pala.

Maki-Balita: Netizens, na-wow mali! Ultrasound ni Matteo, inakalang kay Sarah na

Pero kumalat naman ang screenshots ng social media post ng isang colleague ni Matteo, na bumabati sa kaniya ng congratulations dahil "soon-to-be daddy" na raw siya; bagay na wala pang reaksiyon o tugon mula kay Matteo.

May mga nag-alala pa at napatanong kung hindi raw ba delikado sa buntis ang chemicals na ginagamit kapag nagpapakulay ng buhok.

"Buntis ka daw lods?" tanong ng isang netizen.

Sansala naman ng isa, "mukhang hindi, kase nagpakulay e. Di pwede magpakulay pag preggy."

"Ang pretty naman ng preggy na yan," hirit naman ng isa pa.

"Alam ko bawal ang any hair treatment kapag buntis," react ng isa.

Tanong naman ng isa, "buntis ka na ba sis? sagutin mo kami hahaha!"

"preggy kana ba idol?" singit pa ng isa.

Sey naman ng isa, "Ms.Sarah pakisagot naman kung buntis kana taon taon kanang buntis sa social media hehehe para naman matahimik na at malaman namin. Ang ganda mo natural and simple.

Sa kabila nito, hindi naman sinagot ni Sarah ang mga tanong sa kaniya ng mga netizen hinggil sa umano'y pagbubuntis niya.