September 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bansag na 'Miss Flawless,' isinoli na ni Sachzna Laparan kay Angelica Jones

Bansag na 'Miss Flawless,' isinoli na ni Sachzna Laparan kay Angelica Jones
Photo Courtesy: Sachzna Laparan, via MB

Naglabas na ng pahayag ang social media personality na si Sachzna Laparan  matapos siyang sitahin ng dating aktres na si Angelica Jones dahil sa paggamit umano niya nang walang paalam sa titulong “Miss Flawless” sa ni-revive nilang kanta nina Flow G at Bosx1ne noong 2019.

Matatandaang sa isang episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, sinabi ni Angelica na nakatakda sana silang magkita ni Sachzna para pag-usapan ang tungkol sa revival ng kaniyang kanta. 

Ngunit hindi raw ito natuloy.

“To be honest with you, nakaka-offend ‘yon on my part kasi elected official ako and then nag-react ‘yong tourism ng Laguna na ang sabi ay hindi raw tuloy ang shooting, hindi raw tuloy ‘yong pagpunta nila doon,” saad ni Angelica.

Kaya naman sa isang bahagi ng video statement na inilabas ni Sachzna nitong Martes, Setyembre 1, humingi siya ng paumanhin kay Angelica. 

Tsika at Intriga

Sarah G, nag-flex ng new hair color; kinulit kung totoong preggy na!

"Malaki po ang respeto ko kay Angelica Jones. At pasensya na po kung nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintidihan," saad ni Sachzna.

Dagdag pa niya, "At this point in my life, hindi ko na po hangad na i-embrace pa ang bansag na 'Miss Flawless' kung ang magiging kapalit naman nito ay 'yong peace of mind ko."

Ayon sa social media personality, mas mahalaga raw para sa kaniya ang kapayaan ng isip kaysa anomang titulo.

“‘Yon lang po. Salamat,” pahabol pa niya.

Nauna nang nagbigay ng paglilinaw ang ermats ni Sachzna na si Christine Laparan Policarpio kaugnay sa naturang isyu.

Ayon sa kaniya, ang mismong direktor daw nila ang nakausap ni Angelica para ipagpaalam ang revival ng “Miss Flawless.”

Bukod dito, dalawang beses din daw nilang pinuntahan at kinausap ang songwriter at composer na si Lito Camo upang abisuhan ang huli na gagamitin nila ang chorus ng naturang kanta sa bagong version nina Flow G, Bosx1ne, at Sachzna.

Maki-Balita: Ermats ni Sachzna Laparan, bumwelta kay Angelica Jones sa isyu ng 'Miss Flawless'

Samantala, wala pa namang reaksiyon o tugon si Angelica sa pahayag na ito ni Sachzna. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.