September 01, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ermats ni Sachzna Laparan, bumwelta kay Angelica Jones sa isyu ng 'Miss Flawless'

Ermats ni Sachzna Laparan, bumwelta kay Angelica Jones sa isyu ng 'Miss Flawless'
Photo Courtesy: Christine Laparan Policarpio (FB), via MB

Nagbigay ng paglilinaw ang ina ni social media personality Sachzna Laparan na si Christine Laparan Policarpio sa isiniwalat ni dating aktres Angelica Jones kaugnay sa cover na “Miss Flawless” noong 2019.

Matatandaang sa isang episode ng vodcast na “Your Honor” kamakailan, sinabi ni Angelica na nakatakda sana silang magkita ni Sachzna para pag-usapan ang tungkol sa revival ng kaniyang kanta. 

Ngunit hindi raw ito natuloy.

“To be honest with you, nakaka-offend ‘yon on my part kasi elected official ako and then nag-react ‘yong tourism ng Laguna na ang sabi ay hindi raw tuloy ang shooting, hindi raw tuloy ‘yong pagpunta nila doon,” saad ni Angelica.

Samantala, ayon naman sa bersyon ng kuwento ni Christine sa isang Facebook post nitong Martes, Setyembre 1, ang mismong direktor daw nila ang nakausap ni Angelica para ipagpaalam ang kanilang nilulutong proyekto. 

Tsika at Intriga

Vice Ganda, Heart iniintrigang nagdedmahan sa concert ni Yeng

Sa katunayan, inalok pa raw nila si Angelica na maging bahagi nito.

Sabi ni Christine, “Naunawaan naman po namin noong sinabi ninyong hindi na po kayo puwede dahil nasa larangan na kayo ng politika at hindi na po angkop ang pagsayaw.”

Bukod dito, dalawang beses din daw nilang pinuntahan at kinausap ang songwriter at composer na si Lito Camo upang abisuhan ang huli na gagamitin nila ang chorus ng "Miss Flawless" sa bagong version nina Flow G, Bosx1ne, at Sachzna.

“May mga komunikasyon at ebidensya naman po kaming hawak na nagpapatunay na nagkausap po nang maayos ang magkabilang panig,” pahabol pa ng ermats ni Sachzna.