August 30, 2026

Home SHOWBIZ

John Arcilla sa mga kapuwa Pinoy na apektado ng baha: 'Idol pa more?'

John Arcilla sa mga kapuwa Pinoy na apektado ng baha: 'Idol pa more?'
Photo Courtesy: John Arcilla (FB)

Tumirada na naman ang award-winning actor na si John Arcilla sa mga Pilipino, kasama na ang maraming opisyal na aniya’y hindi alam ang responsibilidad sa bayan.

Ito ay sa gitna ng patuloy pa ring pag-ulan dulot ng Habagat sa maraming lugar sa bansa.

Sa latest Facebook post ni Arcilla nitong Linggo, Agosto 30, ibinahagi niya ang kuhang larawan kung saan makikitang nakalusong sa baha ang ilang tao.

“Hanggang ngayon hindi pa alam ng mas MARAMING OPISYAL ng BAYAN ang totoong RESPONSIBILIDAD nila sa MAMAMAYAN,” saad ni Arcilla.

Dagdag pa niya, “Ang KAMALAYAN NILA AT NATING LAHAT sa pagiging opisyal ay PRIBILEHIYO at ENTITLEMENT, ang mamamayan naman ay mga ALIPIN. PANAHON PA NI KRISTO WINAWASAK NA NIYA ANG KALAKARANG ITO. Ano na kababayan? Idol pa more?”

Tsika at Intriga

'Ayusin n'yo yang post n'yo!' Karla, rumesbak para kay Daniel matapos tawaging ‘delulu’ ng media outlet

Matatandaang bumoses din kamakailan si Arcilla para maglabas ng sentimyento sa ilang botanteng panay ang boto ng mga kurakot sa gobyerno.

Ito ay matapos niyang ibahagi ang kuhang video ng isang commuter habang sakay ng bus noong Agosto 17, kung kailan bumaha sa ilang lugar sa Metro Manila na dulot pa rin ng #Habagat.

Maki-Balita: John Arcilla, umay na sa mga pasaway na panay boto ng kurakot