August 30, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ayusin n'yo yang post n'yo!' Karla, rumesbak para kay Daniel matapos tawaging ‘delulu’ ng media outlet

'Ayusin n'yo yang post n'yo!' Karla, rumesbak para kay Daniel matapos tawaging ‘delulu’ ng media outlet
Photo courtesy: via MB

Hindi pinalampas ni aktres at TV host Karla Estrada ang isang ulat na tinawag na “delulu” o “delusional” ang kaniyang anak na si Kapamilya star Daniel Padilla kaugnay ng mga social media post nito tungkol sa mga nais niyang pagbabago para sa Pilipinas.

Kasunod ito ng pagsita mismo ni Daniel sa nabanggit na online tabloid matapos ilabas ng naturang media outlet ang ulat na may headline na “DANIEL PINAGDUDUDAHANG GUSTONG PASUKIN ANG MUNDO NG POLITIKA.”

Sa caption ng post, sinabi ng outlet na “mistulang nagdelulu” si Daniel matapos niyang sunod-sunod na i-post at i-share sa Instagram ang mga AI-generated reel na nagpapakita ng magagandang senaryo para sa bansa kung maayos umano ang pamamalakad sa Pilipinas.

Matapos makita ang naturang ulat, diretsahang sinita ni Daniel ang media outlet at sinabing ginagawa lamang niya ang kaniyang bahagi bilang isang Pilipino.

“Ginagawa ko lang ang parte ko bilang Pilipino para sa Pilipinas. Tinawag niyo pa akong delusional. Eh mga g*go pala kayo dyan e.”

Tsika at Intriga

'Mga g*go pala kayo dyan e!' Daniel Padilla, sinita media outlet matapos tawaging 'delulu'

Maki-Balita: 'Mga g*go pala kayo dyan e!' Daniel Padilla, sinita media outlet matapos tawaging 'delulu'

Hindi rin nanahimik si Karla at ipinagtanggol ang anak laban sa paggamit ng salitang “delulu” sa naturang ulat.

Sa kaniyang mensahe sa social media page ng media outlet, sinabi niya:

“Ilang pamamahayag na hindi pinag iisipan. Hindi bale na maisubo sa mga ulupong ang inyong ibinabalita para mabastos. Delulu? Saan galing ang pahayag na yan Abante news??? Ok lang kayo?? Mawalan na lang ng DANGAL pakapag post lang?”

"Ayusin nyo yang post nyo," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang nabanggit na pahayagan hinggil sa isyu.