August 29, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Mga g*go pala kayo dyan e!' Daniel Padilla, sinita media outlet matapos tawaging 'delulu'

'Mga g*go pala kayo dyan e!' Daniel Padilla, sinita media outlet matapos tawaging 'delulu'
Photo courtesy: via MB

Pinalagan ng Kapamilya star na si Daniel Padilla ang isang local media outlet matapos siyang tawaging “delulu” o “delusional” kaugnay ng mga social media post niya tungkol sa mga nais niyang makitang pagbabago sa Pilipinas.

Sa screenshot na kumakalat online, makikitang iniulat ng nabanggit na online tabloid ang pag-she-share ni Daniel sa Instagram story niya ng reels na umano'y AI-generated na mga nais niyang mangyari sa Pilipinas, na may headline na “DANIEL PINAGDUDUDAHANG GUSTONG PASUKIN ANG MUNDO NG POLITIKA.”

Sa caption ng naturang post, nakasaad: “Mistulang nagdelulu si Daniel Padilla sa socmed matapos niyang sunod-sunod na i-post at i-share sa Instagram ang mga AI generated reel na nagpapakita ng mga magagandang scenario sa bansa kung maayos lang sana ang pamamalakad sa Pilipinas.”

Ibinahagi naman ni Deej ang screenshots ng pag-re-react niya sa nabanggit na ulat, sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng screenshot ng ulat at pagkokomento niya rito.

“Ginagawa ko lang ang parte ko bilang Pilipino para sa Pilipinas. Tinawag niyo pa akong delusional. Eh mga g*go pala kayo dyan e," aniya.

Tsika at Intriga

Thea Astley, nagsalita na matapos ma-link kay Elijah Canlas

Photo courtesy: Screenshot from Daniel Padilla/IG

Rumesbak din para sa anak ang nanay niyang si actress-TV host Karla Estrada at sinita rin ang nabanggit na pahayagan.

"ilang pamamahayag na hindi pinag iisipan. hindi bale na maisubo sa mga ulupong ang inyong ibinabalita para mabastos. delulu? saan galing ang pahayag na yan Abante news??? . ok lang kayo?? mawalan na lang ng DANGAL pakapag post lang?"

"ayusin nyo yang post nyo," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang nabanggit na pahayagan tungkol dito.