Dalawang komisyoner na lamang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pararangalan para sa "Kampeon ng Wika" sa Gabi ng Parangal na isasagawa sa Huwebes, Agosto 27.
Makikitang inedit ng KWF at tinanggal ang ilang mga komisyoner na nauna nang inanunsyong makatatanggap ng nabanggit na pagkilala.
Photo courtesy: Screenshot from Komisyon sa Wikang Filipino/FB
Ayon sa komisyong nangangalaga sa wikang Filipino at mga umiiral na wika sa Pilipinas, ang Ang Kampeon ng Wika ay taunang parangal para sa mga indibidwal, institusyon, o samahang may ambag sa pagtataguyod, pagpapaunlad, at preserbasyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas.
Ang dalawang komisyoner na makatatanggap ng parangal ay sina Dr. Carmelita Abdurahman at Dr. Benjamin Mendillo Jr.
S Abdurahman ang Komisyoner para sa wikang Samar-Leyte at Komisyoner sa Programa at Proyekto.
SI Mendillo naman ang Komisyoner para sa wikang Ilokano, at Komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi.
Photo courtesy: Screenshot from Komisyon sa Wikang Filipino/FB
Naalis sa listahan sina G. Alain Russ G. Dimzon, Dr. Christian T. N. Aguado, Dr. Reggie O. Cruz, at Dr. Evelyn C. Oliquino.
Matatandaang pinutakti ng kritisismo ang komisyon matapos kuwestyunin kung bakit mga sariling komisyoner ang makatatanggap ng pagkilala.
Maki-Balita: KWF, niratrat ng ilang manunulat matapos parangalan mga sarili!
Makatatanggap ang awardee ng isang pormal na plake o sertipiko ng pagkilala bilang parangal sa kanilang natatanging ambag sa larangan ng wika.
Hindi naman binanggit ng KWF kung bakit dalawa na lang mula sa kanilang mga komisyoner ang makatatanggap ng parangal.