August 23, 2026

Home BALITA

VP Sara, pinasisigurong di napag-iiwanan ang wikang Filipino

VP Sara, pinasisigurong di napag-iiwanan ang wikang Filipino
Photo Courtesy: Sara Duterte (FB)

Nagbigay ng mensahe si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.

Sa isang video statement na inilabas ng Office of the Vice President (OVP) nitong Linggo, Agosto 23, hinikayat niya ang publiko na tiyaking hindi naiiwan ang wikang Filipino sa pagpasok ng makabagong teknolohiya.

Aniya, “Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya, siguruhin natin na ang ating pambansang wika ay hindi naiiwan kundi nananatiling sandata sa karunungan at digital na inobasyon.”

“Ito ang landas tungo sa ating pangarap. Isang bansa kung saan ligtas, edukado, at may magandang kinabukasan ang bawat bata at walang pamilyang naiiwan sa kahirapan,” dugtong pa ni VP Sara.

Ngayong taon, nakasentro ang tema ng selebrasyon sa "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Metro

NAIA Terminal 1, nag-abiso sa power interruption simula Agosto 24 hanggang 26

Unang isinagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika  noong 1998 sa unang taon ng pamumuno ni Joseph Ejercito Estrada bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas.

Alinsunod ito sa Proclamation No. 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel Ramos.

Pero bago pa man ito, una nang idineklara ang Linggo ng Wika mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 sa pamamagitan ng Proclamation No. 186 ni Pangulong Diosdado Macapagal. 

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: KWF, inilatag ‘responsableng’ paggamit ng AI para sa Filipino!