August 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sachzna, itinangging pinaplastik si Jelai

Sachzna, itinangging pinaplastik si Jelai
Photo Courtesy: Sachzna Laparan, Jelai Andres (FB)

Pinalagan ng social media personality na si Sachzna Laparan ang umano’y pekeng balita na alam daw niyang kabit si “Y” at pinaplastik lang niya si Kapuso actress Jelai Andres.

Matatandaang pinalutang kamakailan ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza ang tsika tungkol kina King Badger at Yumi Garcia.

"may anak si Badger at si Yumi kaya nag-file ng annulment si Jelai nasa top comment ang link," mababasa sa post ni Xian.

Kaya sa isang Facebook post ni Sachzna noong Sabado, Agosto 22, sinabi niyang hindi raw sila sobrang close ni Yumi.

Aniya, “Nakasama ko si Y 4 years ago dahil pinakilala siya sa amin ng business partner ko, kasama rin ng ex ko. Hindi kami naging super close or what dahil doon ko lang naman siya nakasama.”

Tsika at Intriga

Jojo Bragais, nagbabala sa vidj*kol na film casting scam gamit si Ivana Alawi

“And just to make it clear, hindi ako ang nagdala sa kanya sa Thailand. That time, hindi pa rin naman kami super close ni Ate Jelai,” dugtong pa ni Sachzna.

Bukod dito, sinabi rin ng social media personality na kung may masamang intensyon daw siya, hindi na raw niya ibabahagi pa ang vlog kung saan tinanong si Yumi kung totoo raw bang naging kabit ito ni Badger. Ngunit sagot nito, hindi raw iyon totoo.

“Kaya please, stop pointing fingers and making assumptions. Alam namin ni Ate Jelai kung ano ang totoo,” saad ni Sachzna.

Samantala, nagsalita na rin si Jelai kaugnay sa isyung ito matapos maispluk ni Xian ang naturang tsika. Ito ay kahit hindi raw niya ugali ang pagiging patola.

Ngunit napilitan umano siyang maglabas ng pahayag upang ituwid ang maling bersyon ng kuwento na kumakalat.

Sa kaniyang post, iginiit ng Kapus actress na hindi nangangahulugang dahil nasaktan ang isang tao ay wala na itong pananagutan sa mga naging desisyon nito.

Maki-Balita: Jelai Andres, nagsalita sa kumakalat na tsika tungkol sa ex-mister at 'kabit'