August 19, 2026

Home BALITA Probinsya

Para sa seguridad: Paggamit ng transparent bags, ipatutupad sa paaralan sa South Cotabato

Para sa seguridad: Paggamit ng transparent bags, ipatutupad sa paaralan sa South Cotabato
Photo courtesy: Unsplash

Ipatutupad ng Holy Child Central Colleges, Inc. (HCCCI) ang paggamit ng transparent o clear bags sa loob ng campus bilang bahagi ng mga hakbang ng paaralan upang mapalakas ang seguridad at mapanatili ang maayos na kapaligiran.

Ayon sa HCCCI, kinakailangang gumamit ng transparent o clear bags ang mga miyembro ng kanilang paaralan kapag pumapasok sa campus.

“This simple practice is part of our continuing efforts to promote a safe, organized, and comfortable campus environment for everyone,” anang HCCCI sa kanilang opisyal na Facebook page noong Martes, Agosto 18.

Ipinaliwanag ng institusyon na makatutulong ang paggamit ng transparent bags upang maging mas madali ang regular na pagsusuri sa mga gamit ng mga pumapasok sa paaralan at masuportahan ang pagpapanatili ng ligtas at maayos na campus.

“Clear bags can help make routine campus checks more convenient and support our shared commitment to maintaining a secure and welcoming space,” saad pa nila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na sana, patay sa aksidente sa motorsiklo!

Hinikayat naman ang lahat ng estudyante, faculty, at staff ng HCCCI na sundin ang naturang panuntunan at makipagtulungan sa pagpapatupad nito.

“All HCCCI students, faculty, and staff are encouraged to observe this practice whenever possible and to extend their cooperation and understanding as the institution continues to strengthen its campus safety and security measures,” anila pa.

Binigyang-diin din ng paaralan na responsibilidad ng buong komunidad ang pagpapanatili ng kaligtasan sa loob ng campus.

“We understand that safety is a shared responsibility, and even simple practices can make a meaningful difference.”

Ayon sa HCCCI, sa pamamagitan ng awareness, cooperation, at consideration para sa isa’t isa, makatutulong ang bawat miyembro ng komunidad upang maging ligtas, komportable, at maayos ang lahat habang nasa campus.

Matatandaang noong Martes din nang napaulat ang nangyaring school shooting sa Ateneo de Zamboanga matapos mamaril ang isang Grade 7 student sa loob ng Junior High School Department.

Dalawa ang napaulat na nasawi kabilang ang mismong shooter na pinaniniwalaang nagbaril din sa sarili.

KAUGNAY NA BALITA: Grade 7 student, namaril umano sa loob ng classroom habang naka-live!