August 19, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

GGV, pinagtulungang ibalik ng GMA at ABS-CBN!

GGV, pinagtulungang ibalik ng GMA at ABS-CBN!
Photo Courtesy: via MB, ABS-CBN PR

Opisyal nang magbabalik sa telebisyon ang iconic comedy talk show ni Unkabogable Star Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice” (GGV).

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Agosto 19, inanunsiyo ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes ang tungkol dito sa ginanap na ABS-CBN Annual Stockholders’ Meeting.

“'Gandang Gabi Vice,' the new season, will come back next month on GMA, iWant, and Kapamilya Channel,” saad ni Vidanes.

Matatandaang umugong na noong Enero ang tungkol sa pagbabalik ng nasabing programa nang magsilbing guest speaker si Vice sa ginanap na 27th Inkblots ng University of Sto. Tomas. 

Pero minsan na ring pinag-usapan ang napipintong pag-ere ng GGV noong 2023. Kung sakali nga raw na matuloy, si Britney Spears ang gusto niyang i-guest.

Teleserye

'Di n'yo ako iniwan!' Jolina Magdangal, nagpasalamat sa fans sa bago niyang teleserye

Maki-Balita: ‘Gandang Gabi, Vice’ magbabalik na?

Bukod dito, inanunsiyo rin ang pagbubukas ng Bahay ni Kuya para sa bagong season ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” kung saan mga ordinaryong Pilipino ang magiging housemates.

Maki-Balita: ‘This is it!’ Bahay ni Kuya, magbubukas para sa mga ordinaryong Pinoy