August 14, 2026

Home SHOWBIZ

‘This is it!’ Bahay ni Kuya, magbubukas para sa mga ordinaryong Pinoy

‘This is it!’ Bahay ni Kuya, magbubukas para sa mga ordinaryong Pinoy
Photo Courtesy: PBB (FB), via MB

Opisyal nang inanunsyo ang pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Bumisita kasi ang mga PBB host na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Agosto 14, para ihatid ang espesyal na balita mula kay Big Brother. 

“This is it. Ito na ang takdang panahon para sabihin na muling magbubukas ang bago at pinakasikat na bahay sa buong Pilipinas. Dito sa pinakabagong season na “Pinoy Big Brother: Collab 3.0,” saad ni Bianca.

Gaya ng dalawang naunang season, sanib-pwersa pa rin daw ang ABS-CBN at GMA Network sa programang ito. 

Pero ayon kay Gabbi, “Kung ‘yong dalawang nakaraang collab seasons e mga celebrity housemates ang pinatuloy ni Kuya, bagong grupo ng mga housemate naman ang kaniyang hinahanap.”

Vice Ganda: 'Ang daming honor students pero parang aanga-anga kapag kinausap'

“You heard it right. Ang tagal nang hinihingi nito. Para sa season na ‘to, magbubukas ang bagong bahay ni Kuya para sa mga ordinaryong Pilipino,” dugtong pa ni Bianca.

Matatandaang Enero 2025 noong unang pormal na inanunsiyo ang collaboration ng GMA at ABS-CBN para sa pag-ere ng patok na reality show sa bansa. 

Sina Mika Salamanca at Brent Manalo ang unang itinanghal na Big Winner ng sanib-pwersa na ito na sinundan naman nina Caprice Cayetano at Lella Ford.

Maki-Balita: Bagong edisyon ng PBB, collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars!