August 19, 2026

Home SHOWBIZ

‘Ayoko na!’ Joy Barcoma, tatantanan na ang pageantry

‘Ayoko na!’ Joy Barcoma, tatantanan na ang pageantry
Photo Courtesy: Joy Barcoma (FB)

Titigil na raw ang beauty queen at TV host na si Joy Barcoma sa paglahok sa mga pageant matapos ang journey niya bilang Miss Earth Philippines noong 2025.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Agosto 18, inurirat daw si Joy kung binabalak niyang sumali sa Reina Filipinas.

Nangyari ito nang mag-host siya sa press conference ng Netflix film na “Ganito, Ganyan, Ganoon” kamakailan.

 “Siguro kung may million na prize," biro ni Joy. 

Pero nang magseryoso siya ng sagot, sinabi niyang wala na raw siyang balak pa.

Pelikula

Khalil Ramos, tinapatan projects ni Anne Hathaway

Aniya, "Tapos na ako sa pageantry. Ayoko na."

“Kasi, di ba, laging sinasabi kapag magdyo-join ka ng pageant, 'I want to use my platform, I want to use my voice.' E, feeling ko nagagawa ko naman na siya kahit outside pageantry,” dugtong pa ni Joy.

Sa ngayon, masaya na raw siya sa korona at titulo niya. Ito ay kahit hindi siya nakapag-farewell walk sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2026 noong Hunyo.

Maki-Balita: Joy Barcoma, nag-final walk pa rin pero sa Love Laban!

Matatandaang bumoboses si Joy sa mga isyung panlipunan at sa mga usaping nakakaapekto sa kababaihan at LGBTQIA+ community.

Lumahok din siya sa mga ikinasang kilos-protesta partikular nang pumutok ang maanomalyang flood control projects noong Setyembre 2025.

Maki-Balita: Miss Earth PH Joy Barcoma, nanawagang linisin ang gobyerno