August 12, 2026

Home SHOWBIZ Events

Kapamilya, Kapuso, Kapatid: Vice Ganda, tinaguriang ‘Queen of All Networks!'

Kapamilya, Kapuso, Kapatid: Vice Ganda, tinaguriang ‘Queen of All Networks!'
Photo courtesy: TV5 (FB)/@praybeytbenjamin (IG)/via PEP

Mukhang lalong lumalawak ang nasasakupan ni Vice Ganda sa mundo ng Philippine entertainment!

Muling pinag-usapan ang pagiging “Queen of All Networks” ng tinaguriang Unkabogable Superstar matapos opisyal na makipagsanib-puwersa sa MediaQuest Holdings na siyang may hawak sa TV5, para sa mga bagong proyekto sa telebisyon at entertainment.

Sa ginanap na contract signing nitong Miyerkules, Agosto 12, kasama ni Vice sina TV5 chairman Manny V. Pangilinan at MediaQuest Holdings president at CEO Victorico “Ricky” P. Vargas.

Ipinahiwatig ng TV5 na may mga bagong proyekto at posibilidad na naghihintay para kay Vice sa Kapatid Network.

Sa kabilang banda, nanatili rin ang kaniyang matagal nang ugnayan bilang Kapamilya sa "ABS-CBN" matapos niyang mag-renew ng kontrata kamakailan.

Events

'Biggest flex today!' Joy Barcoma, pinuri ni Michael Cinco sa hosting ng Reina Filipinas

Nabanggit niyang kahit Kapamilya pa rin siya, may nakaline-up siyang proyekto sa Kapuso Network.

Maki-Balita: Vice Ganda, forever Kapamilya kahit wala raw kontrata!

Noong Hulyo, inanunsyo rin ang pagsasanib-puwersa nina Vice at Vic Sotto para sa pelikulang “The Greatest Showdown,” isang proyekto ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions at APT Entertainment.

Hindi rin maikakaila ang presensya ni Vice sa Kapuso platform.

Ang It's Showtime ay kasalukuyang napapanood sa GMA Network, at regular ding tampok sa mga programa at online platforms ng Kapuso network ang mga ganap ni Vice. Maging ang pagbabalik niya sa noontime show noong Abril ay itinampok mismo ng GMA Entertainment.

Bukod sa ABS-CBN at GMA, mayroon ding presensya ang mga programa ni Vice sa iba pang television platforms.

Ang "Everybody Sing," halimbawa, ay ipinalabas sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z at Kapamilya Channel, bukod sa online platforms ng ABS-CBN.