August 11, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca matapos aminin pangangaliwa ni Ruru: 'Choose to understand'

Bianca matapos aminin pangangaliwa ni Ruru: 'Choose to understand'
Photo Courtesy: Bianca Umali (FB)

Nagbigay na ng reaksiyon si Kapuso star Bianca Umali sa naging rebelasyon ng long-time boyfriend niyang si Primetime Action Hero Ruru Madrid tungkol sa pangangaliwa nito.

Tampok ang panayam kamakailan kay Bianca sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong block screening ng pelikula ni Ruru na “Hand of God” bilang kalahok sa Cinemalaya 2026.

Dito, sinabi ni Bianca na piliin sana lagi ng bawat isa na maging mabuti sa kapuwa sa kabila ng mga ginawa nito—mapa-kaibigan man o mahal sa buhay.

“I think the best advice to give to everyone is to always choose kindness at the end of the day, anoman ang pinagdadaanan natin. Nasaktan man tayo. Nakagawa man ng masama sa atin ang mga tao. Kahit sino pa ‘yan,” saad ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Choose to understand the situation in the best way that we could. ‘Wag tayong humawak at manatili sa galit at sama ng loob.”

Relasyon at Hiwalayan

Chad Gammad, bumwelta sa mga umookray sa relasyon nila ni Apple

Sa huli, naniniwala raw ang aktres na kung ipagpapasa-Diyos ninoman ang sarili at kinabukasan, hinding-hindi ito maliligaw.

“At wala pong mas tama pa sa pagappatawad,” dugtong pa ni Bianca.

Matatandaang nausisa sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Agosto 4 ang tungkol sa naging pahayag ni Ruru sa Kapuso game show na "The People Have Spoken."

Sa nasabing game show, nilahad ni Ruru na maaari pa raw magbago ang mga cheater at papatunayan niya raw ito.

Usisa tuloy ni Boy, “Napatunayan mo na ba?”

"Yeah, napatunayan ko na," sabi ni Ruru. "Siguro 'yon 'yong pinagpapasalamat ko kay Bianca na kahit po nagkamali ako during that time, I was 20 years old at hindi ko naman po sinasabing dahilan 'yong pagkabata sa ginawa kong pagkakamali, pero siguro itinuturing ko rin siyang blessing in disguise somehow."

Going strong pa rin naman ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, nagdiwang na sila ng 8th anniversary as a couple noong Hulyo.

Nagsimulang mag-date sina Bianca at Ruru noong 2018. Matapos gawing pribado ang kanilang relasyon, kinumpirma ng huli ang namamagitan sa kanilang dalawa noong 2022.

Maki-Balita: Ruru, naniniwalang puwedeng magbago ang mga palikero

Inirerekomendang balita