Inamin ni Primetime Action Hero Ruru Madrid na minsan na siyang nangaliwa sa girlfriend niyang si Kapuso star Bianca Umali.
Nausisa kasi sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Agosto 4, ang tungkol sa naging pahayag ni Ruru sa Kapuso game show na "The People Have Spoken."
Sa nasabing game show, nilahad ni Ruru na maaari pa raw magbago ang mga cheater at papatunayan niya raw ito.
Usisa tuloy ni Boy, “Napatunayan mo na ba?”
"Yeah, napatunayan ko na," sabi ni Ruru. "Siguro 'yon 'yong pinagpapasalamat ko kay Bianca na kahit po nagkamali ako during that time, I was 20 years old at hindi ko naman po sinasabing dahilan 'yong pagkabata sa ginawa kong pagkakamali, pero siguro itinuturing ko rin siyang blessing in disguise somehow."
"Dahil from there, nakita ko po talaga ang kahalagahan ni Bianca. Nag-break kami ng 8 months but now 8 years na po kami. Tinanggap niya ako ulit," dugtong pa niya.
Ayon sa aktor, ito raw ang dahilan kung bakit nasabi niya na lahat ng tao ay pwede pa naman daw magbago—anoman ang nagawang pagkakamali nito.
“Kasi, ang Diyos nga natin marunong magpatawad,” katwiran ni Ruru. “At siguro, para sa akin kasi 'yong cheating choice talaga siya, e. [...] Madali pong magkamali. Pero nasa sa 'yo na 'yon kung gusto mong magkamali. “
Matatandaang nagsimulang mag-date sina Bianca at Ruru noong 2018. Matapos gawing pribado ang kanilang relasyon, kinumpirma ng huli ang namamagitan sa kanilang dalawa noong 2022.
Samantala, sa isang panayam noong Hulyo 2024, inamin ni Bianca na confident daw siya na sa kasalan mauuwi ang relasyon nila ni Ruru.
Maki-Balita: Bianca Umali, flinex ‘mukbangan’ nila ni Ruru Madrid