August 11, 2026

Home BALITA Metro

Baha sa Las Piñas, hinigop para ibalik sa ilog

Baha sa Las Piñas, hinigop para ibalik sa ilog
Photo Courtesy: City of Las Piñas (FB)

Usap-usapan ang pag-aksyon ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa mabilis na pagtaas ng tubig sa Alido Bridge, Zapote River, at Brgy. Pulanglupa Uno.

Sa isang Facebook post ng City of Las Piñas noong Lunes, Agosto 10, ginamitan nila ng  heavy-duty na flood-mitigating pump ang tubig.

Ito ay para maibsan ang pagtaas ng tubig at mapanatiling ligtas sa baha ang mga residente ng naturang lungsod.

Kasabay nito, nagpaalala ang pamahalaang lungsod na ugaliin ang tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga daluyan ng tubig.

Samantala, umani naman ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang ginawang paghigop ng tubig sa nasabing mga lugar. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Metro

Akbayan, nagpadala ng ‘love letter’ sa SC

"Pinaikot lang pala"

"Parang na filter lang yung tubig ilog ah? Hahahahahahaha"

"Hinigop pero dun din binuga."

"Yan tama yan, matutuwa mga bata jan, may Brown na Fountain sa ilog"

"Ano yan .hinalo halo lng.bka mhilo yung tubigsan papunta ang tubig nyan...mbbwasan b ang baha nyan haha"

"Taraaaaaaay! Pinaikot lang yung baha "

"Bugok Higop tapos Buga ulit pabalik"

"Bilib Ako pag ang tubig malipat nyo sa iBang planita,,alam ko sa kanal din bagsak Nyan " 

Matatandaang ilang araw inulan ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa habagat at magkasunod na pagpasok ng bagyong “Luis” at “Maymay.”

Maki-Balita: 8 patay bunsod ni 'Luis,' 'Maymay,' habagat