August 10, 2026

Home BALITA National

Pangilinan, nanawagang bumuo ng pambansang flood management plan

Pangilinan, nanawagang bumuo ng pambansang flood management plan
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB)

Naglabas ng pahayag si Sen. Kiko Pangilinan kaugnay sa pagbuo ng isang komprehensibong national flood control management plan na pangmatagalan.

Sa latest Facebook post ni Sen. Kiko nitong Lunes, Agosto 10, sinabi niyang hindi raw dapat natatakot at nangangamba ang bawat Pilipino tuwing tag-ulan.

“Pare-parehas ang nakikita nating eksena tuwing umuulan—binabahang mga kalsada, baha na pumapasok sa mga bahay at mga eskwelahan, mga pamilyang kailangang lumikas,” saad ni Sen. Kiko.

Dagdag pa niya, “Kailangan natin ng pangmatagalan at pambansang flood management plan. Dapat magkakaugnay ang ating mga proyekto at plano.”

Anang senador, kahit gumastos pa raw ng bilyon-bilyon, kung hindi naman magkakakonekta ang flood control management plan, patuloy lang malulubog sa baha ang mga kalsada at kabahayan.

National

'This will take time!' Sec. Dizon, idiniing walang 'overnight solution' sa problema sa baha

“Dapat malinaw kung saan ito napunta at kung ano ang naging resulta. Hindi puwedeng may proyekto sa papel pero kapag umulan, binabaha pa rin ang mga tao,” dugtong pa ni Sen. Kiko.

Matatandaang ilang araw nang inuulan ang ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa habagat at magkasunod na pagpasok ng bagyong “Luis” at “Maymay.”

Maki-Balita: 8 patay bunsod ni 'Luis,' 'Maymay,' habagat