Sinang-ayunan ni Optimum Star Claudine Barretto ang pagdepensa ni Mariel Rodriguez-Padilla tungkol sa pagiging kwalipikado ng mister nitong si Sen. Robin Padilla.
Matatandaang muling lumutang ang video clip ni Mariel mula sa kaniyang vlog noong 2022 kung saan inisa-isa niya ang kwalipikasyon ng kaniyang asawa bilang kandidato pa lang noon sa pagkasenador.
"Si Robin no'ng nasa Bilibid nakapagpasa na ng batas. So, do'n sa mga nagsasabi na hindi siya qualified, I beg to disagree. He is more than qualified," saad ni Mariel.
Ibinahagi ni Claudine ang comic strip pubmat na ginawa ng isang entertainment news platform, kalakip ang kaniyang pagsang-ayon.
Sabi niya sa caption, “True.”
Matapos umani ng samu’t saring reaksiyon sa social media ang video clip ni Mariel, naglabas siya ng panibagong video statement para linawin ang mga binitawang pahayag tungkol kay Sen. Robin.
Ayon kay Mariel, nang sabihin niyang gumagawa na ng batas si Sen. Robin habang nasa bilangguan pa, ang ibig niya raw sabihin ay ang mga panahong nakikibahagi umano ang kaniyang mister sa paggawa o pagsusulong ng mga panukalang batas.
"When Robin was in Bilibid, his case became closely associated with the issue that RA 8294 addressed—illegal possession of firearms. RA 8294 was enacted in 1997 while he was incarcerated," paliwanag niya.
Dagdag pa ni Mariel, "Now, IF gamitin natin ang talino na binigay sa atin ng Maykapal… sino kaya ang nag-draft at nagpasa ng bill na naging RA 8294? Obviously, legislators.”
Gayunman, aminado si Mariel na literal umano itong binigyang-kahulugan ng ilan.
Nang lumabas ang video statement ni Mariel, ibinahagi naman ito ni Claudine at nagpaabot ng pagmamahal sa kaniyang “utol.”
“Love [you] & Utol Mariel Termulo-Padilla,” aniya.
Maki-Balita: 'Common sense is most uncommon!' Mariel bumwelta, pinaliwanag nakalkal na vlog noong 2022