August 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Bunsod ng habagat: Angat Dam water level, umangat ng higit 8 meters!

Bunsod ng habagat: Angat Dam water level, umangat ng higit 8 meters!
Photo courtesy: MB


Patuloy na tumataas ang water level ng Angat Dam, kasunod ang patuloy na pag-ulang dala ng southwest monsoon o habagat sa iba’t ibang parte ng Pilipinas—partikular na sa Luzon.

Ayon sa datos na inilabas ng Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), as of 8:00 ng umaga nitong Lunes, Agosto 10, umangat ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa 170.47 meters, lubhang mas mataas sa 161.81 meters noong Linggo, Agosto 9.

Samakatuwid, aabot sa 8.66 meters ang itinaas ng water level ng naturang dam.

Kasunod ang pagtaas nito, malayo pa rin ang Angat Dam sa normal high water level nitong 210 meters—gayundin sa minimum operating level nitong 180 meters.

KAUGNAY NA BALITA: Muling umangat! Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang lumampas sa critical level!-Balita