August 09, 2026

Home BALITA Politics

Lacson, nagpatutsada: 'Even the devil can quote Scripture'

Lacson, nagpatutsada: 'Even the devil can quote Scripture'
Photo Courtesy: Ping Lacson (FB)

Nagpahaging si Sen. Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa mga taong nakukuha pang gamitin ang Bibliya para sa kanilang kasinungalingan.

Sa X post ni Lacson nitong Linggo, Agosto 9, sinabi niyang isang pambihirang talento umano ang pagsisinungaling nang hindi man lang nababakasan ng kahit anong emosyon sa mukha.

Aniya, “It takes unusual talent to lie with a straight face, but starting a lie with quotes from the Scripture is something else that only a ‘devil incarnate’ may be capable of doing. 

“As the Bible says - ‘Even the devil can quote Scripture,’” dugtong pa ni Lacson.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Lacson, ipinagpapalagay ng ilang netizens na si Sen. Alan Peter Cayetano ang pinatutungkulan niya.

Politics

‘Rowenga?’ Topacio, diskumpiyado kay Guanzon

Matatandaang nag-ugat ang tunggalian sa pagitan ng dalawa nang birahin ni Cayetano ang integridad ni Lacson bilang isang mambabatas.

Hindi naman nagpadaig si Lacson sa kabaro niyang senador. Sa katunayan, nagsumite na siya ng mga ebidensiya sa Office of the Ombudsman (OMB) kaugnay sa umano’y ghost infrastructure project sa Taguig na kilalang balwarte ni Cayetano.

Maki-Balita: Cayetano sa isinumiteng ebidensya ni Lacson sa OMB: ‘I welcome that’