August 09, 2026

Home SHOWBIZ

Himutok ng ina ni Rene: Anak, tintratong parang 'baboy na kinatay!'

Himutok ng ina ni Rene: Anak, tintratong parang 'baboy na kinatay!'
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga Studio (YT), Santi San Juan/MB

Mabigat pa rin ang loob ni Rovelyn Baterbonia sa pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU) dahil sa nangyari sa anak niyang si Rene Baterbonia.

Kabilang sa mga ibinahagi ni Rovelyn sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 9, ang tungkol sa pagtrato umano ng pamantasan sa anak niya matapos nitong malunod sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Ayon kay Rovelyn, bagama’t humingi na umano ng tawad ang ADMU sa trahedyang sinapit ni Rene, hindi pa rin nito mabubura ang naging paghihintay niya nang matagal noong mga panahon na kinakailangan niyang marinig ito. Gayundin ang umano’y kawalang-respeto ng pamantasan sa mga gaya nilang mahihirap.

“Kasi ma’am,” lahad ni Rovelyn, “‘pag may respeto ka sa kapuwa tao mo, ma’am, galing pa ‘yong anak ko sa Aurora, hindi man lang nila binihisan. Hindi nila nilinisan.” 

“Tapos parang sinabi lang nila, ‘Uy, kunin mo ‘yong baboy do’n na nakatay ko. Dalhin mo rito sa Arlington [Memorial Chapel] kasi dito natin lalapain ‘yan,’” dugtong pa niya.

Events

'It's never too late!' Nikki Gil, natapos 'second degree' matapos ang 10 taon

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin daw para kay Rovelyn ang ginawang ito ng unibersidad sa anak niya.

Kaya nang usisain na siya kung napatawad na ba niya ang Ateneo, “Wala nga silang respeto, ma’am. Papatawarin mo pa agad-agad? Respeto lang ‘yong gusto kong kunin sa kanila.”

“Hindi mo talaga mapapatawad agad-agad ‘yong taong walang resepeto sa ‘yo,” dugtong pa ni Rovelyn.

Sa huli, umaasa rin daw ang ina ni Rene na isisiwalat ng administrasayon ng Ateneo ang katotohanan sa likod ng naturang trahedya sa buhay ng kaniyang anak.

Matatandaang inatasan na noon pang Hunyo ng Board of Trustees ng ADMU na magkasa ng fact-finding inquiry sa naturang insidente na ikinasawi ni Baterbonia at ng isa pang student-athlete.

Maki-Balita: ADMU Pres. Fr. Roberto Yap nagsalita; 'fact-finding' sa pagpanaw ng 2 atleta, isasagawa!