August 09, 2026

Home SHOWBIZ

Ermats ni Rene Baterbonia, 'di pa napapatawad ang Ateneo

Ermats ni Rene Baterbonia, 'di pa napapatawad ang Ateneo
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga Studio (YT), via MB

Inamin ni Rovelyn Baterbonia na hindi pa rin daw niya napapatawad ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa nangyari sa anak niyang si Rene Baterbonia.

Si Rene ang isa sa mga student-athlete ng Ateneo na nalunod sa isinagawang team building sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 9, naglabas ng sentimyento si Rovelyn sa naging trato ng Ateneo sa kaniyang anak matapos nitong bawiin ng buhay.

“Galing pa ‘yong anak ko sa Aurora, hindi man lang nila binihisan. Hindi nila nilinisan. Tapos parang sinabi lang nila, ‘Uy, kunin mo ‘yong baboy do’n na nakatakay ko. Dalhin mo rito sa Arlington [Memorial Chapel]. Dito natin lalapain ‘yan,’” saad ni Rovelyn.

Dagdag pa niya, “Tapos dinala nila ‘yong anak ko sa Arlington, walang kasama. Walang Ateneo. Walang teammates na kasama na kahit convoy lang, ma’am. Wala talaga.”

Alvin Aragon, gigil sa mga taong 'di makapagsimba dahil sa ulan!

Ayon kay Rovelyn, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin daw para sa kaniya ang ginawang ito ng unibersidad sa anak niya.

Kaya nang usisain siya kung napatawad na ba niya ang Ateneo, “Wala nga silang respeto, ma’am. Papatawarin mo pa agad-agad? Respeto lang ‘yong gusto kong kunin sa kanila.”

“Hindi mo talaga mapapatawad agad-agad ‘yong taong walang resepeto sa ‘yo,” dugtong pa ni Rovelyn.

Sa huli, umaasa rin daw ang ina ni Rene na isisiwalat ng administrasayon ng Ateneo ang katotohanan sa likod ng naturang trahedya sa buhay ng kaniyang anak.

Kaugnay na Balita: Rovelyn Baterbonia, dumepensa; 'di ginagatasan ang anak!