August 07, 2026

Home BALITA National

'She doesn't have the liberty:' VP Sara, binirang maging 'professional' si Usec. Castro

'She doesn't have the liberty:' VP Sara, binirang maging 'professional' si Usec. Castro
Photo courtesy: OVP, RTVM

Binanatan ni Vice President Sara Duterte na dapat daw maging propesyonal si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa trabaho nito. 

Sa naging pahayag ni VP Sara sa panayam sa kaniya ng media sa San Pedro Cathedral, Davao City, noong Huwebes, Agosto 6, 2026, sinabi niyang spokesperson daw si Castro ng Office of the President at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaya raw gampanin nitong irepresenta sa propesyonal paraan ang selyo ng opisina ng Pangulo. 

“Si Claire Castro is a spokesperson of the President and the Office of the President, hindi ko alam kung kaninong spokesperson siya,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Pero by the fact na spokesperson ka at mayroong seal ng Office of the President diyan, dapat maging professional ka sa mga sinasabi mo.” 

Ani VP Sara, hindi raw kagaya nila, wala raw kalayaan si Castro na sabihin ang mga iniisip at opinyon niya. 

National

Mag-inang Rep. Leviste, Sen. Legarda lumipad palabas ng bansa!

Aniya pa, dapat daw na ibigay ni Castro sa publiko ang propesyonalismo na hinihingi sa kaniyang gampanin bilang spokesperson ng opisina ng Pangulo. 

“She doesn’t have the liberty [ng] tulad sa atin, ‘no, na puwedeng magsalita ng kahit anong iniisip natin at kahit anong opinyon natin. Kasi nagsasalita tayo para sa sarili natin,” diin niya. 

“Pero kapag may seal sa likod mo, sa harap mo, kung ano ‘yong professionalism na hinihingi galing doon sa opisina na ‘yon, ‘yon dapat ang ipakita at ibigay mo sa taumbayan,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, agad namang sinagot ni Castro ang naging tirada sa kaniya ni VP Sara at sinabi niyang mas nakikita raw ang tunay na propesyonalismo sa gawa at hindi puro sa salita. 

Partikular daw sa mga lider na nananatili sa bansa sa oras ng mga kalamidad, sumusunod sa batas, hindi gumagamit ng dahas, humaharap sa mga akusasyon, hindi naninira sa administrasyon, tumutulong sa pag-unlad, at hindi raw nagiging dahilan ng pagbagsak ng pamahalaan. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Gobyerno, 'di lang dapat tumutok sa baha sa Davao City’—VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: 'Kasi kilala ko naman sila:' VP Sara, walang nakikitang aberya sa pagbisita kina Marcoleta, Estrada, Defensor!