Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes, Agosto 6, na suspendido ang expanded number coding scheme ngayong araw dahil sa posibleng epekto ng tropical storm na si Maymay at ng southwest monsoon o habagat.
“ABISO: Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme ngayong araw, Agosto 6, Huwebes, dahil sa inaasahang epekto ng Tropical Storm #MaymayPH at Hanging habagat,” saad ng MMDA sa kanilang abiso.
Nagpaalala rin ang ahensya hinggil sa pagpaplano at pag-iingat sa pagmamaneho, sa gitna ng nasabing panahon.
“Paalala ng MMDA: planuhin ang biyahe, mag-ingat sa pagmamaneho, at manatiling nakatutok sa mahahalagang impormasyon kaugnay sa lagay ng panahon,” anang ahensya.
Kaugnay nito, batay sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa higit 80,000 indibidwal ang apektado sa iba’t ibang rehiyon bunsod ng pinagsamang epekto ng tropical depression Luis, tropical storm Maymay, at southwest monsoon o habagat, as of 6:00 ng umaga nitong Huwebes, Agosto 6.
Libo-libo ring evacuees ang nananatili sa evacuation centers dahil sa patuloy na pag-ulan at pagragasa ng baha.
MAKI-BALITA: Higit 80k residente apektado bunsod ni 'Luis,' 'Maymay,' habagat
Photo courtesy: MB