August 03, 2026

Home BALITA

Palasyo sa sex scandal plot vs. ES Recto: 'Karima-rimarim!'

Palasyo sa sex scandal plot vs. ES Recto: 'Karima-rimarim!'
Photo Courtesy: Screenshot from PCO, Ralph Recto (FB)

Nagbigay ng komento ang Malacañang kaugnay sa umano’y sinet-up na sex scandal laban kay Executive Secretary Ralph Recto sa pangunguna nina Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at dating Negros Oriental Rep. Jing Paras.

Sa press briefing na ginanap nitong Lunes, Agosto 3, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro na karima-rimarim umano ang tangkang character assassination kay Recto.

“Ito ay isang karima-rimarim; hindi katanggap-tanggap. Hindi makatao. Makasarili. Power-hungry. Gawaing paggawa ng intriga. Pagplanta ng ebidensya. Diyan ba sila sanay? Diyan ba sila eksperto?” saad ni Castro.

Ayon kay Castro, ang ganitong insidente umano ang iniiwasan ng pamahalaan.

“Kaya nga mayro'n tayong tinatawag na due process. Proseso ang pinapatupad ng pamahalaan, ng administrasyon, ni Pangulong Marcos, Jr,” dugtong pa niya.

Metro

Senado, pinasok at ninakawan ng mag-live in partner; TV, printer, dinekwat!

Matatandaang nakatakda nang hainan ng subpoena ang dalawa ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag noong Hulyo 31.

Nag-ugat ito nang matiklo ng NBI sa isang entrapment operation ang talent manager na si Lito de Guzman at lima pang mga babae. 

Kinanata ni De Guzman sa NBI na nakipagtransaksyon sa kaniya si Paras para kumuha ng mga babae na gagawa ng fabricated statement na magsasabing pinuwersang makipagtalik ang mga ito at pinagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ani Matibag, dapat daw na magpaliwanag sina Leviste at Paras sa isyung ito sa halip na maglabas lang ng mga pahayag sa social media.

Maki-Balita: Rep. Leviste, ex-Cong. Paras lagot sa NBI ugnay umano sa 'sex scandal plot' vs ES Recto!