August 01, 2026

Home SHOWBIZ

Karmina Constantino sa 3 dekadang pamamahayag: ‘Kailangan mayro’ng para sa bayan’

Karmina Constantino sa 3 dekadang pamamahayag: ‘Kailangan mayro’ng para sa bayan’
Photo Courtesy: Karmina Constantino (FB)

Ibinahagi ni ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Karmina Constantino ang aral na itinanim ng mga magulang niya sa kaniya na dala-dala niya hanggang ngayon na nagtatrabaho siya.

Nausisa kasi sa latest episode ng entertainment talk show at podcast na “Oh My Gan!” si Karmina kung paano nga ba nagsimula ang tatlong dekadang karera niya bilang isang mamamahayag.

Ayon sa kaniya, gusto raw talaga niyang maging filmmaker noon o kaya ay screenwriter.

Ngunit panahon daw noon ng "pito-pito movies" kung kailan matumal ang kita ng industriya. Kaya kinonsidera niyang pasukin ang mundo ng advertising.

"But my mom said, masyadong malayo,” lahad ni Katrina. “She'll get nervous if I go and commute and whatever. So, sabi niya, why don't you try broadcasting?"Kaya kalaunan nag-apply siya sa SkyCable News kung saan nagsisilbing news manager ang batikang mamamahayag na si David Celdran. 

Tsika at Intriga

Vice Ganda, bakasyon muna sa gitna ng insensitive joke issue?

Bago maging news anchor, nagsimula si Katrina bilang personal assistant dahil galing umano siyang film school at walang anomang background sa journalism. 

Kaya kahit inalok ng posisyon bilang reporter, tumanggi siya.

Aniya, “Eventually I became segment producer, special features producer, and then I think within a year I made an anchor. I think, and I said this before, I didn't go and seek journalism. Journalism found me.”

“I didn't know that was what I was doing already. All I knew was 'yong pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin, kahit ano pang trabaho mo, kailangan mayro'ng para sa bayan,”  dugtong pa ng ANC news anchor.

Matatandaang kilala si Karmina sa mga hard-hitting questions na ibinabato niya sa mga public servant na kinakapanayam niya sa kaniyang programa.

Kaugnay na Balita: Karmina sa isang former president: 'Niyurakan, dinurog imahe ng malayang pagpapahayag!'