May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karmina sa isang former president: 'Niyurakan, dinurog imahe ng malayang pagpapahayag!'

Karmina sa isang former president: 'Niyurakan, dinurog imahe ng malayang pagpapahayag!'
Photo courtesy: Screenshot from Y Speak 2.0 (Kapamilya Online Live)

Usap-usapan ang matapang na pahayag ni ABS-CBN News Channel (ANC) news anchor Karmina Constantino matapos sumalang sa unang episode ng nagbabalik na "Y Speak 2.0," kung saan tinalakay nila ang press freedom sa bansa.

Ang nabanggit na award-winning youth-oriented program ay nagsisilbing "safe space" para sa kabataan para pag-usapan at pagdebatihan ang iba't ibang isyung pambansa, lalo na sa politika. 

Unang naging hosts nito sina Ryan Agoncillo, Bianca Gonzalez, at Karen Davila, at umere sa noo'y Studio 23 ng ABS-CBN, mula 2004 hanggang 2010. 

Makalipas ang ilang taon, muli itong nagbabalik na may bagong hosts na rin gaya nina Elijah Canlas, Ralph De Leon, River Joseph, Robbie Jaworski, KD Estrada, at Aya Fernandez. 

Natanong ng isa sa mga host na si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 4th big placer River Joseph si Karmina kung ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit bumababa ang trust rating sa traditional Philippine media sa Pilipinas, lalo na't marami na ang vloggers at content creators ngayon dahil sa internet at social media.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"We all know what happened. We all had a former president, niyurakan, dinurog ang imahe ng malayang pagpapahayag dito sa ating bansa," saad ni KC.

Pero paliwanag niya, hindi lang naman daw ito nangyayari sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.

"Kaya naman humahanap kami ng ibang mga paraan upang makuha ulit ang tiwala na hindi naman kami ang sumira."

"Isang tao ang sumira pero kami ngayon ang nagbabalik nito," aniya pa.

Hindi naman pinangalanan ni Karmina kung sino ang "former president" na tinutukoy niya.