Ibinahagi sa publiko ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima ang pag-alala niya sa kaniyang “mentor” at ama na si dating Commission on Election (Comelec) Commissioner Atty. Vicente Bagaporo de Lima, Sr., sa ika-14 anibersaryo ng pagpanaw nito.
Sa Facebook post ni De Lima nitong Huwebes, Hulyo 30, 2026, makikita ang larawan niya kasama ang kaniyang ama noong nabubuhay pa ito.
Photo courtesy: De Lima (FB).
Ani De Lima, mahigit isa at kalahating dekada na raw ang lumipas ngunit nararamdaman pa rin niya at ng kaniyang pamilya ang kalungkutan sa pagkasawi ng kaniyang ama.
Aniya pa, si Atty. Vicente raw ang ang nagturo sa kanilang maging handa, matapang, at matatag sa lahat ng panahon at mga hamon ng buhay.
“Almost a decade and a half has passed, but the pain and sadness of his parting still stays with us. Pero si Daddy rin ang naghanda at nagturo sa amin na maging matapang at matatag sa lahat ng pagkakataon, lalo na sa harap ng mga hamon,” saad niya.
Diin ni Lima, alam daw niyang patuloy na nagbabantay at nagpapalakas ng kanilang loob ang kanilang ama kahit nasa kabilang buhay na ito.
“We know that he constantly watches over us — nagbabantay, gumagabay, at nagpapalakas ng aming loob,” ‘ika niya.
“We love and we miss you so much, Daddy,” pagtatapos pa niya.
Tumayo bilang Comelec Commissioner ang ama ni De Lima na si Atty. Vicente de Lima, Sr., mula noong Pebrero 1992 hanggang Nobyembre 1994.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima sa SONA: ‘Hindi na puro plano at retorika ang dapat laman!’