July 29, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Doc Liza Ong, tatanggalan ng right breast: 'Kaya ko ito at lalabanan ko ito!'

Doc Liza Ong, tatanggalan ng right breast: 'Kaya ko ito at lalabanan ko ito!'
Photo courtesy: Doc Liza Ong (FB)

Positibo pa rin ang doktora at social media personality na si Doc Liza Ong kahit na ibinalita nila ng mister, na si doctor-health advocate at social media personality Doc Willie Ong, na may breast cancer siya.

Matapos magbigay ng health updates tungkol sa pagiging stable ng kaniyang kondisyon, ibinahagi ng mag-asawa na na-diagnose si Doc Liza ng early-stage invasive ductal carcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng breast cancer.

Dumating ang diagnosis habang patuloy namang sumasailalim sa gamutan si Doc Willie sa kaniyang stage 4 sarcoma.

Ibinahagi naman ni Doc Liza na sasailalim siya sa chemotherapy at immunotherapy, at pagkaraan ay aalisin sa kaniya ang kanang bahagi ng dibdib.

"Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Na-diagnose ako ng breast cancer 6 weeks ago. Kailangan ko matapos ang 12 weeks ng chemotherapy at 4 na immunotherapy at sa huli ay opera para tanggalin ang right breast. Kaya ko ito at lalabanan ko ito," aniya.

Tsika at Intriga

Habang si Doc Willie may sarcoma: Misis na si Doc Liza, lumalaban naman sa breast cancer!

Kahit na may kondisyon sa kalusugan, patuloy pa rin daw ang pagbibigay nila ng health tips para sa kanilang followers.

"Tuloy-tuloy pa din kami sa paggawa ng health tips para sa inyo. Mahal na mahal namin kayo aming followers. God bless you," mababasa sa Facebook post ni Doc Liza.

Photo courtesy: Screenshot from Doc Liza Ramoso-Ong/FB

Dagdag pa niya, "Unti-unti ng nahuhulog ang buhok ko sa chemotherapy. Okay lang kasi babalik naman pagkatapos ng chemotherapy."

Photo courtesy: Screenshot from Doc Liza Ramoso-Ong/FB

Sa vlog naman ng mag-asawa, naging positibo naman ang dalawa at sinabing lalabanan nila ang mga kinakaharap na cancer hangga't kaya nila. Ipinayo naman ni Doc Liza sa mga netizen na kung may nararamdaman nang kakaiba sa katawan, agad na magpakonsulta sa mga espesyalista at huwag matakot.

Maki-Balita: Habang si Doc Willie may sarcoma: Misis na si Doc Liza, lumalaban naman sa breast cancer!