July 28, 2026

Home BALITA National

Usec Castro sa di-pagsipot ng ilang senador sa SONA: 'Di naman sila kawalan!'

Usec Castro sa di-pagsipot ng ilang senador sa SONA: 'Di naman sila kawalan!'
Photo courtesy: MB File Photo

Nagbigay ng reaksiyon at komento si Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa hindi pagdalo ng ilang mga senador na nasa Senate minority bloc, sa pangunguna ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, sa gaganaping ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.

Sa panayam ng media kay Castro, natanong siya kung anong masasabi niya sa sinabi ni Cayetano na hindi raw dadalo ang ilan sa mga kasamahan sa minorya, sa SONA.

Ilan sa mga senador na nasa minorya na hindi dadalo sa SONA, bukod kay Cayetano, ay sina Sen. Robin Padilla, Sen. Loren Legarda, at Sen. Imee Marcos.

"Hindi naman sila kawalan," saad ni Castro.

"Ang Pangulo po ang importante rito, at mga opisyal na interesadong makinig kay Pangulo. So yung ibang mga opisyal na wala namang balak makinig sa Pangulo ay hindi natin pipilitin. At hindi naman po kawalan sa administrasyon kung hindi sila dadalo."

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

"Kung gusto nilang mas magbakasyon, mangibang-bansa, ay hindi natin sila mapipilit," aniya pa.

Maki-Balita: Sen. Alan, hindi dadalo sa SONA ni PBBM