July 28, 2026

Home BALITA National

Senate minority, nakiisa sa paggunita ng ika-112 anibersaryo ng INC

Senate minority, nakiisa sa paggunita ng ika-112 anibersaryo ng INC
Courtesy: Senate of the Philippines/FB

Naglahad ng mensahe ang mga miyembro ng Senate minority bilang pakikiisa sa ika-112 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Lunes, Hulyo 27, 2026.

Kaugnay na Balita: Kasaysayan ng pinagmulan, paglaganap ng Iglesia ni Cristo!

"Kasama ninyo kami sa hangariing magkaroon ng bawat pamilyang Pilipino ng matiwasay na pamumuhay, pantay na pagkakataon, at matibay na pag-asang maitaguyod ang kanilang kinabukasan," pahayag ng minorya na ibinahagi ni Senador Robin Padilla sa kaniyang Facebook account. 

"Nawa'y patuloy na gabayan at pagpalain ng ating Panginoong Diyos ang pamunuan, mga ministro, at lahat ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Patuloy nawa kayong maging katuwang sa pagpapalaganap ng pananampalataya, pagmamalasakit, at pagkakaisa sa ating bansa at saan mang panig ng mundo," dagdag pa nila.

"Maligayang ika-112 anibersaryo sa Iglesia Ni Cristo."

National

‘It will bring quality jobs!' PBBM, aprub na sa Pax Silica?

Ang minorya ay binubuo ng mga senador na sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Mark Villar, Camille Villar, Imee Marcos, Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, at Bato Dela Rosa. 

Samantala, ngayong araw din magaganap ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr..