July 26, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

White House, ginamit kanta ni Katy Perry sa pag-atake sa Iran; singer, umalma!

White House, ginamit kanta ni Katy Perry sa pag-atake sa Iran; singer, umalma!
Photo Courtesy: Katy Perry (FB), Screenshot from White House (TikTok)

Sinita ng American pop star na si Katy Perry ang paggamit ng White House sa kanta niyang “Firework” bilang background music sa video footage ng military strikes nito sa Iran.

Sa X post ni Katy noong Sabado, Hulyo 25, sinabi niyang hindi raw niya pinahintulutan ito at hindi rin siya hiningan ng permiso.

“I did not approve this, I was not asked, and I absolutely do not condone it,” saad ni Katy. “I wrote this song to be an anthem of hope, healing, and inner strength for people going through their darkest personal moments.”

Dagdag pa niya, “To see a message of self-worth and upliftment weaponized to soundtrack destruction and violence is a complete violation of everything my song stands for. “

Sa huli, sinabi ng American pop star na ang mga kanta niya ay para pagbuklod-buklurin ang mga tao at hindi para ipagdiwang ang digmaan.

Musika at Kanta

Yeng Constantino, Gloc-9 at Julie Anne San Jose, coaches ng ‘The Voice Kids 3’ sa GMA

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na pinuna ang White House sa paggamit nito ng mga kanta upang mang-udyok umano ng karahasan at kaguluhan.

Sa TikTok post na ibinahagi ng White House noong Pebrero, makikita ang tila missile strike na pinasinayaan ng Estados Unidos habang nakalapat ang “Blow” ni singer-songwriter Kesha bilang background music.

Buwelta si Kesha at sinabing  “disgusting” at “inhumane” ang ginawa ng White House.

Maki-Balita: ‘Stop using my music, perverts!’ Kesha, sinermonan White House sa paggamit ng kanta niya