July 27, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

SB19, kinilalang 'newest ambassadors' ng turismo sa Pilipinas

SB19, kinilalang 'newest ambassadors' ng turismo sa Pilipinas
Photo courtesy: SB19 (FB)

Opisyal nang kinilala ng Department of Tourism (DOT) ang P-Pop powerhouse, SB19, bilang bagong Tourism Ambassadors upang irepresenta ang kultura ng Pilipinas sa buong mundo. 

Sa pahayag ng DOT nitong Linggo, Hulyo 26, binanggit na bilang Tourism Ambassadors, makikipagtulungan ang SB19 sa ahensya upang hikayatin ang A’TIN, ang malawak na fanbase ng SB19, mula sa iba’t ibang parte ng mundo, na bisitahin ang Pilipinas upang maranasan ang kultura rito. 

Kinilala rin ng DOT na ang pag-usbong ng talento at kasikatan ng SB19 sa international stage ay naging daan upang bumisita sa Pilipinas ang kanilang international fans mula sa iba’t ibang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region, US, Germany,  at United Arab Emirates (UAE). 

Kaya masaya pang binanggit ng ahensya na dumating ang kanilang partnership sa P-Pop boy group ilang araw bago ang kanilang nakatakdang ceremonial first pitch sa Major League Baseball game na Chicago White Sox vs. New York Yankees matchup, sa darating na Miyerkules, Hulyo 29. 

Gayundin ang kanilang nakatakdang pagtatanghal sa Lollapallooza sa Grant Park, Chicago, sa Huwebes, Hulyo 30, kung saan sila ang kauna-unahang Filipino act dito, na isa sa mga pinakamalaking music festivals sa buong mundo. 

Musika at Kanta

White House, ginamit kanta ni Katy Perry sa pag-atake sa Iran; singer, umalma!

Ngunit bago pa man maging Tourism Ambassadors, sinaluduhan din ng DOT ang naging pagrepresenta ng SB19 sa kulturang Pinoy sa pamamagitan ng kanilang music videos at content, partikular ang “Gento” na isang global breakout hit. 

Sa kasaluyan, isinasapinal pa ng DOT at SB19 ang iba pang detalye ng kanilang mga proyekto upang epektibong i-promote ang turismo ng Pilipinas sa mga susunod pang buwan. 

Matatandaang nauna na ring idineklara ng DOT ang BINI bilang Tourism Ambassadors ng Pilipinas sa unang bahagi ng Hulyo dahil sa kanilang pagrepresenta ng bansa sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2026, Grammy Museum, at Billboard Women noong Abril. 

MAKI-BALITA: P-Pop girl group BINI, ‘tourism ambassadors’ na ng Pilipinas!