July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Walang kadala-dala? MTRCB, kinalampag ulit dahil kay Vice Ganda

Walang kadala-dala? MTRCB, kinalampag ulit dahil kay Vice Ganda
Photo courtesy: MTRCB (FB)/It's Showtime (YT)

Pinupukaw ng mga netizen ang atensyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suriin at aksyunan ang dalawang akto at hirit ni "It's Showtime" host at Unkabogable Star Vice Ganda, kaugnay sa performance niya ng "Memerimar" sa segment na "Laro Laro Pick."

Matatandaang pinuna ng mga netizen ang pagbuhos ng lugaw ng kaniyang mister na si Ion Perez sa bibig niya habang gumaganap bilang "Alejandro," habang ang isa naman, pagbuga niya ng tubig kay "Baby Doll Johaira Moris" at sinabihang "Anong nangyari sa’yo? Bakit nagputik ka?” na para sa mga nakararami, maituturing daw na "racist."

Ibinala rin ng mga netizen na saludo sila sa pangangalampag ni Vice Ganda pagdating sa accountability ng mga opisyal ng pamahalaan lalo na sa isyu ng korapsyon, subalit may mga pagkakataon daw na sumasablay at sumosobra na rin siya pagdating sa jokes niya, at tila nakakalimutan na raw ang limitasyon.

Nitong Sabado, Hulyo 25, sa pagtatapos ng It's Showtime ay humingi na rin ng dispensa ang komedyante-TV host sa mga nabanggit na insidente.

"Nakarating po sa aming kaalaman na may mga madlang pipol po na hindi nagustuhan o na-offend sa ilan sa aming jokes o biruan dito sa [It’s] Showtime pati na rin sa mga ginagawa namin sa ‘Memerimar,’ they found the jokes offensive or insensitive," saad ni Vice Ganda.

Tsika at Intriga

Joy Barcoma, kinawindangan sa 'chinuchunap' niya

"The last thing we want is to displeased you o hindi mapasaya ang aming Madlang pipol. Kaya naman ina-acknowledge namin ang inyong sentimyento at humihingi po kami ng paumanhin sa inyo and we will try to do better. Maraming maraming salamat po," aniya pa.

Maki-Balita: ‘We will try to do better:’ Vice Ganda, nag-sorry sa ‘offensive,’ ‘insensitive’ jokes

Dahil dito, muling nag-trending sa X ang "MTRCB" at ipinanawagang muling aksyunan ang mga bagay na ito.

Bukod sa MTCB, trending din ang pangalan ni "Johaira" dahil dito.

Photo courtesy: X via Richard de Leon/BALITA

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa X:

"to be honest. I love VG pero this is getting out of touch na. Parang ginagawa nalang ewan si Johaira dito, pero if she were famous totally different story. we are against abuse and cruelty lalo na sa mga kababaihan pero bakit ganto parin tayo sa national tv tapos noontime show?"

"maybe I'm too woke pero yung mga jokes ni meme vice about johaira and her skin color are not funny at all."

"You know someone looks down on you kung kaya ka niyang hagisan ng thingz sa mukha or bugahan ng tubig sa mukha from mouth. It’s been more than 10 years since r@pe joke on Jessica Soho, wala pa ring character development Meme @vicegandako."

"It’s Showtime is running out of ideas so badly that they’re forcing the Memerimar skit down everyone’s throat. Katamaran na talaga yan imbes magbahay-bahay kayo o bara-barangay. RESPECT JOHAIRA."

"Hope she also personally apologized to johaira. Even if planned and scripted nga, Johaira doesn’t have much of a say in what they do. Not saying she was forced or coerced, but as a rising artist, hindi malayo na she didn’t want to say no to anything that the show."

Matatandaang noong 2023, pinatawan ng 12-day airing suspension ang programa matapos ang iba't ibang violations, na pinaigting pa sa pagkain ng icing ng cake ni Vice Ganda mula sa daliri ni Ion.

Maki-Balita: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag ang MTRCB tungkol dito.