July 23, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin, no. 1 bet ng Pinoy bilang senador sa 2028—Pulse Asia survey

Sen. Robin, no. 1 bet ng Pinoy bilang senador sa 2028—Pulse Asia survey
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nangunguna si Sen. Robin Padilla sa hanay ng senatorial preference ng mga Pilipino sa darating na 2028 national elections, batay sa lumabas na resulta sa survey ng Pulse Asia Research, Inc.

Sa inilabas na “Ulat ng Bayan” national survey ng Pulse Asia nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, makikitang nangunguna ang pangalan ni Padilla sa hanay ng mga senador na posibleng manalo sa 2028. 

Ayon sa Pulse Asia, isinagawa nila ang kanilang survey fieldwork mula noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, 6, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa kabuuang 2,400 umanong mga indibidwal sa buong bansa na may edad 18-anyos pataas. 

Anang Pulse Asia, 17 daw na mga posibleng senatorial candidates ang nagkaroon ng statistical na pag-asang manalo sa susunod na halalan sa kabila ng kabuuang 53 na bilang ng iba pang indibidwal na posible ring tumakbo sa naturang posisyon. 

Diin nila, karamihan daw sa mga posibleng manalo bilang senador sa 2028 ang mga dati na o kasalukuyang nanunungkulan bilang mga mambabatas. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Nangunguna rito ang pangalan ni Padilla na may 48.4% voter preference percentage at rank 1st at 2nd sa naturang listahan. 

Sumunod sa pangalan ni Padilla si Pasig City Mayor Vico Sotto na may 47.9% voter preference percentage at nasa rank 1-3, habang ikatlo naman si Sen. Raffy Tulfo na may 43.9% voter preference percentage at nasa rank 2-5 sa 2028 senatorial preferences. 

Photo courtesy: Pulse Asia Research Inc. 

Sumunod sa mga nabanggit na may higit na mataas umanong pag-asang manalo bilang senador sa 2028 ay sina: 

Sen. Alan Peter Cayetano

Sen. Loren Legarda

Dating Sen. Manny Pacquiao 

Makati City Mayor Nancy Binay 

DepEd Sec. Sonny Angara 

Sen. Mark Villar

Ben Tulfo 

Sen. Jinggoy Estrada

Willie Revillame 

Sen. Chiz Escudero 

Dating congressman Mike Defensor

Dating Sen. Mar Roxas 

Cabinert Sec. Benhur Abalos, Jr. 

Mark Lapid 

KAUGNAY NA BALITA: Tumaas ng +2! 58% ng mga Pilipino, kuntento pa rin kay VP Sara—SWS