Nanguna ang mga pangalan nina Sen. Christopher “Bong” Go at Sen. Robin Padilla sa vice presidential survey para sa darating na 2028 national elections, ayon sa resulta Pulse Asia Research, Inc.
Sa inilabas na “Ulat ng Bayan” national survey ng Pulse Asia nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, makikita ang mga pangalan nina Go at Padilla bilang una at ikalawa sa listahan ng mga posible umanong manalo sa 2028 bilang Pangalawang Pangulo.
Ayon sa Pulse Asia, isinagawa nila ang kanilang survey fieldwork mula noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, 6, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa kabuuang 2,400 umanong mga indibidwal sa buong bansa na may edad 18-anyos pataas.
Narito ang ginamit nilang tanong upang makalikom ng kasagutan sa ninanais ng mga Pilipinong iboto bilang Bise Presidente sa 2028:
“Sa mga taong nasa listahang ito, sino ang inyong iboboto bilang BISE-PRESIDENTE NG PILIPINAS kung ang eleksyon ng Mayo 2028 ay gaganapin ngayon at sila ang mga kandidato?”
Batay sa lumabas na resulta ng survey ng Pulse Asia, lumabas na nakakuha ng 27% na voters preference percentage si Go, habang 21% naman si Padilla.
Photo courtesy: Pulse Asia Research, Inc.
Sumunod kina Go at Padilla ang kapuwa rin nila senador na si Sen. Bam Aquino na nakakuha naman ng 14%, kung saan kapantay niya sa parehong percentage si dating Sen. Grace Poe.
Habang pumanghuli naman sa listahan ang mga pangalan nina Sen. Erwin Tulfo, Sen. Kiko Pangilinan, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Robin, no. 1 bet ng Pinoy bilang senador sa 2028—Pulse Asia survey