July 23, 2026

Home BALITA

Rep. Ann Matibag, inlab na naman sa mister

Rep. Ann Matibag, inlab na naman sa mister
Photo Courtesy: Ann Matibag (FB)

Tila hindi napigilan ni Laguna 1st District Rep. Ann Matibag na muling mahulog ang loob niya sa asawang si National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag.

Sa latest Facebook post ni Rep. Anne nitong Miyerkules, Hulyo 22, ibinahagi niya ang reels kung saan mapapanood ang serye ng video clip ng kaniyang mister habang nakalapat bilang background music ang “You to Me Are Everything” ng The Real Thing. 

Tampok sa naturang video ang pagtestigo ni Atty. Melvin sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa loob ng Senado.

Kaugnay ito sa umano'y banta ng Bise Presidente laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

“I have never been prouder to be your wife,” saad ng kongresista sa caption.

NUJP, pinaiimbestigahan sa CHR panghaharass ng kapulisan sa mga mamamahayag

Dagdag pa niya, “ I find myself falling in love with you all over again not only because of the man you are, but because of the strength of your character, the brilliance of your mind and the quiet courage with which you carry every responsibility.”

Matatandaang bago humarap sa Senado, humiling ang NBI director sa sa House prosecution panel na payagan siyang tumestigo nang mas maaga sa naturang paglilitis.

Ito ay dahil inimbitahan siya ng Federal Bureau of Investigation (FBI) para dumalo sa law enforcement summit na gaganapin sa Thailand mula Hulyo 21 hanggang 22.

Ngunit nagdesisyon siya kalaunan na kanselahin ang pagdalo niya sa nasabing pagtitipon.

Kaugnay na Balita: Cayetano, ‘di nagustuhan hiling ni Matibag na tumestigo nang maaga sa impeachment