July 23, 2026

Home SHOWBIZ

Lance Carr, binira mga gumagatas kay Rene Baterbonia

Lance Carr, binira mga gumagatas kay Rene Baterbonia
Photo Courtesy: Lance Carr (IG)

Naghayag ng pagkadismaya ang VIva artist na sina Lance Carr sa mga taong ginagamit at pinagkakakitaan ang kasawian ng kapuwa niya Atenistang si Rene Baterbonia.

Si Rene ang isa sa mga student-athlete ng Ateneo na nalunod sa isinagawang team building sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Nakapanayam kasi ng media si Lance sa ginanap na media conference kamakailan sa Quezon City para sa Viva All Star Games. 

Ayon sa kaniya, sobrang hindi umano makatao ang ginagawa ng iba kay Rene.

“Ang daming fake news, ang daming tao na pinagkakakitaan. It’s very outrageous.  I don’t know how to describe it. It’s very inhumane for me. I’m like, sana just let the person rest na lang,” saad ng aktor.

Kakai Bautista, nagsalita matapos ikumpara kay Joy Barcoma

Gayunman, nauunawaan naman daw ni Lance kung paano hinaharap ng pamilya ni Rene ang pagkasawi nito.

“Pero 'yong ibang mga tao kasi, parang feeling ko mema na lang 'yong mga ginagawang content about him,” sabi pa niya.

Matatandaang personal na kakilala ni Lance si Rene dahil pareho silang estudyante ng Ateneo de Davao University.

Sa katunayan, nagpaabot pa nga siya ng mensahe isang araw matapos nitong pumanaw.

Kaugnay na Balita: UAAP, pinagbigyan palugit ng ADMU sa findings ng pagkasawi nina Baterbonia, Adili!