'KEEP MO NA LANG SIYA'
Nagbigay-mensahe ang social media personality na si Jelai Andres sa bagong partner ng ex-husband niyang si Jon Gutierrez, o mas kilala bilang “King Badger.”
Sa kaniyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na umere noong Lunes, Hulyo 20, 2026 hiningan ng mensahe si Jelai para sa kaniyang dating asawa at sa bagong partner nito.
"Wish ko [sana] mas better na siya ngayon. Mas better ka na ngayon kaysa dati. At sana huwag mong kalimutan, kasi dati mukhang nakalimutan mo, 'yong tinuturo ko na lagi kang magdadasal. Pinakilala ko sa'yo ang Diyos sana magpagpatuloy mo 'yon at winiwish ko 'yong peace mo pa rin, sana meron ka rin no'n katulad ko, at gusto maging succesful siya sa buhay," mensahe ni Jelai kay Jon.
"Ang balita namin si Jon ay may partner na. I'd like to be proper dahil wala naman talagang pakialam siya sa inyong dalawa. Pero kung babae sa babae, meron kang mensahe sa kaniya, anong nais mong sabihin sa kaniya?" pagtatanong pa ni Boy Abunda.
Sagot naman ng social media personality, "Para sa babaeng kasama po ng ex [husband] ko: Sana ingatan mo siya at pangalagaan mo siya, protektahan mo siya para hindi na makaperwisyo ng iba, sa'yo na lang. Baka may mangyari pa katulad sa akin so keep mo na lang siya."
"Baka makapahamak pa ng iba katulad ng nangyari sa akin. Keep na lang niya," natatawang sabi pa ni Jelai.
Matatandaan sa isang vlog noong Hulyo 4, isiniwalat niya sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz at kapuwa content creator na annulled na siya.
“Masaya po ako kasi finally, officially, nawala na sa mundo ‘yong kasal. Pinakamahirap na pinagdaanan ng chapter ng buhay ko. Pero sobrang dami kong natutunan,” saad ni Jelai.