July 23, 2026

Home BALITA National

'Hanggang kailan tayo magtitiis?' Sen. Padilla, tumirada sa pananakit ng CCG sa PH Navy!

'Hanggang kailan tayo magtitiis?' Sen. Padilla, tumirada sa pananakit ng CCG sa PH Navy!
Photo courtesy: Senate of the Philippines, AFP

Mariing umalma si Sen. Robin Padilla sa naging pang-atake ng China Coast Guard (CCG) laban sa mga tauhan ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea noong Lunes, Hulyo 20, 2026. 

Matatandaang kasing naging mainit na usapin sa social media ang videong inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Lunes kung saan mapapanood ang naturang komprontasyon ng CCG at PH Navy. 

Matapos nito, naitalang isa ang nasaktan mula sa panig ng PH Navy matapos itong mapalo ng “wooden baton” o batutang kahoy sa ulo ng mga miyembro ng CCG. 

Sa inilbas naman na pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Hulyo 21, sinabi niyang sobra na raw at mariin niyang kinokondena ang marahas at agresibong pagkilos  ng CCG. 

Ani Padilla, hindi lang daw basta insidente ang pagpukpok ng batutang kahoy ng CCG sa isang miyembro ng PH Navy kundi isa raw tahasang paglapastangan sa mga sundalo ng bansa na ginagampanan lang ang kanilang tungkulin. 

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

“Ang pananakit sa isang tauhan ng Philippine Navy gamit ang kahoy na pamalo habang ginagampanan nito ang kanyang tungkulin ay hindi lamang isang simpleng insidente,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Isa itong tahasang paglapastangan sa ating mga kawal at isang mapanganib na paglala ng agresyon laban sa mga Pilipinong nagsasagawa ng kanilang lehitimong tungkulin sa lugar na saklaw ng mga karapatang pandagat at hurisdiksiyong pandagat ng Pilipinas alinsunod sa pandaigdigang batas.” 

Buwelta ni Padilla, hanggang kailan daw sila magtitiis habang paulit-ulit daw na nagpipigil sa kabila ng panggigipit at karahasang ginagawa ng China. 

“Hanggang kailan tayo magtitiis?” kuwestiyon niya. 

Aniya pa, “Paulit-ulit nating pinipili ang pagpipigil. Paulit-ulit nating iniiwasan ang komprontasyon. Ngunit tila ang ating pagtitimpi ay sinusuklian ng lalo pang panggigipit at karahasan.” 

Diin ni Padilla, malinaw raw sa publiko ang paninindigan niyang hindi maaaring patuloy na magtiis ang mga Pilipino ang nasasaktan ang mga sundalo ng bansa. 

“Malinaw ang aking paninindigan: hindi maaaring walang hanggan ang ating pasensya habang ang ating mga sundalo ay sinasaktan,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, nanawagan naman si Padilla sa pamahalaan na gumawa raw ng mas matatag at konkretong hakbang upang proteksyunan ang mga sundalo ng Pilipinas at ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa WPS. 

Hiniling din niya na dapat daw managot ang mga sangkot sa naging pananakit sa mga tauhan ng PH Navy dahil hindi raw sapat ang paulit-ulit lang daw pagpoprotesta. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Mindset of an entitled bully!' De Lima, tumirada sa pa-unggoy ng China

KAUGNAY NA BALITA: 'Mapanlait!' Kampo ni Sen. Robin, pumalag sa pa-unggoy ng China sa mga Pinoy