Nabaling ang atensyon ng ilang netizens kay “It’s Showtime” host Kim Chiu matapos maikasal si Kapuso star Bea Alonzo sa negosyanteng fiancé nitong si Vincent Co.
Napag-usapan sa latest episode nng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hulyo 19, ang isang social media post na lumutang tungkol sa umano’y anim na bituin ng kasalukuyang henerasyon na kasal na.
Kabilang sa mga bituing ito sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Angel Locsin, Marian Rivera, at Sarah Geronimo.
Samantala, isang netizen naman ang nagkomento para tanungin kung kailan kaya may makaka-isang-dibdib si Kim.
“Syempre pressure kay Kim Chiu ‘yon. Saka kay Paulo [Avelino]. Kung sila man,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “‘Pag tumuntong ka na ng trenta, siyempre sa iba late na ‘yon ‘pag nag-asawa. E, ilang taon na si Kim Chiu, 36 na.”
Bagama’t umuugong ang usap-usapan na nagsasama na sina Kim at Paulo sa iisang bubong, wala pa rin namang kumpirmasyon tungkol dito.
Sa katunayan, kahit ang relasyon ng dalawa, hindi pa rin talaga malinaw.
Maki-Balita: Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?
Matatandaang nagsimulang makitaan ng chemistry ang dalawa noong gumanap sina Kim at Paulo sa TV series na “Linlang”.
Hindi nagtagal, nasundan ang nauna nilang proyekto. Ipinalabas ang Filipino adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinagbidahan nila pareho.
Hanggang sa nagkaroon sila ng pelikula noong 2025 na pinamagatang “My Love Will Make You Disappear.”
Maki-Balita: Trailer ng pelikula nina Kim Chiu, Paulo Avelino inilabas na!