May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?
Photo Courtesy: Screenshots from howbiz Updates (YT)

Sinagot ni showbiz insider Ogie Diaz ang isa sa pinakamalaking tanong tungkol sa magka-loveteam na sina Kapamilya stars Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, nausisa ng co-host ni Ogie na si Oliver Carnay kung gaano raw ba katotoo ang tsikang nagsasama na umano sina Kim at Paulo sa isang condo.

“May nakapagbalita lang naman sa akin,” saad ni Oliver. “Gusto ko na ngang itanong dito ng diretso kay Kim Chiu. Kim Chiu, totoo bang nagli-live in na kayo ni Paulo?”

Nagulat naman si Ogie sa pasabog na tanong ng co-host niya. Pero aniya, “Wala tayong masasabi diyan. Kasi, unang-una sa totoo lang, hindi pa rin naman umaamin sina Paulo at Kim Chiu kung sila na. Tapos may ganyan kang balita.” 

“Saka kung sakali man na totoong nagli-live in sila, mayro’n ba silang sinagasaan? Pareho naman silang single, ‘di ba? At marami naman sa fans nila ang gustong-gusto sila,” dugtong pa ni Ogie.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Sundot naman ni Mama Loi, “Baka nga matuwa pa sila kung totoo ‘yang nagli-live in na ‘yong dalawa.”

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang sina Kim at Paulo tungkol sa nasabing tsika. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

Matatandaang nagsimulang makitaan ng chemistry dalawa noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. 

Hindi nagtagal, nasundan ang nauna nilang proyekto. Ipinalabas ang Filipino adaptation ng  “What’s Wrong With Secretary Kim?” sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinagbidahan nila pareho.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?