July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

‘Ambulance fee,’ pinabulaanan ng Samar Provincial Hospital; nakiramay sa nasawing 10-anyos na pasyente

‘Ambulance fee,’ pinabulaanan ng Samar Provincial Hospital; nakiramay sa nasawing 10-anyos na pasyente
Photo courtesy: Unsplash, Samar Provincial Hospital (FB)

Naglabas ng pahayag ang Samar Provincial Hospital (SPH) kasunod ng nag-viral na trahedyang pagpanaw ng 10-taong gulang na pasyente, kung saan, nabanggit ng ina ng bata na hiningian sila ng tulong ngunit wala umanong drayber at ambulansyang napagamit noong mga oras na iyon. 

Matatandaang ibinahagi ng ina na dahil walang drayber ang ambulansya ng pampribadong ospital na kinalalagyan ng 10-taong gulang na pasyente, sinubukan ng pamilya nitong humingi ng tulong sa SPH, ngunit noon ding mga oras na iyon, wala rin daw ambulansya ang ospital dahil nagtatanghalian umano ang mga drayber nito kaya hindi nila natulungan ang pamilya. 

MAKI-BALITA: Nanay sa Samar na namatayan ng 10-anyos na anak sa ospital, sinita ‘bulok na sistema’ ng healthcare!

Kaya noong Linggo, inilabas ng SPH ang isang pahayag na naglilinas na mayroon silang dalawang operational na mga ambulansya, na “available” kada shift para sa patient referrals patungo sa iba pang ospital. 

Bawat ambulansya rin daw ay may nakatalagang drayber at nurse, na nananatiling libre, kasama ang pang-gas.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

“Samar Provincial Hospital has two operational ambulances available per shift for patient referrals to higher-level hospitals whenever needed. Each ambulance is staffed by a driver and an ambulance nurse, and this service is provided free of charge, including fuel,” paglilinaw ng SPH. 

Kaya noong natanggihan ang pamilya ng pasyente ng ambulansya, binanggit ng SPH na nasa may iba nang pasahero ang kanilang dalawang “operational ambulances” patungo sa Tacloban. 

“In this particular instance, both of our ambulances were already transporting patients to Tacloban when assistance was requested,” dagdag pa ng SPH.

Muli, idiniin ng ospital na hindi sila naniningil ng anumang bayad o “ambulance fee” para sa hospital referrals. 

“We also wish to clarify that SPH does not charge patients any ambulance fee for hospital referrals,” pagdidiin ng SPH.

Kaya hinihimok nila ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong mababasa at ibabahagi nila online. 

“We respectfully urge the public to verify information before posting or sharing negative comments, especially when they involve institutions that were not connected to the incident,” paghihimok ng SPH.

Sa kabilang banda, nakikiramay ang ospital sa mga naulilang pamilya ng nasawing pasyente.

“Lastly, we extend our heartfelt condolences to the bereaved family. Our thoughts and prayers are with them during this difficult time,” pakikidalamhati ng SPH.