Naglabas ng opisyal na pahayag ang tanggapan ni Sen. Robi Robin Padilla upang igiit na mali umano ang interpretasyon ni Philippine Coast Guard (PCG) Rear Admiral Jay Tarriela sa naging pahayag ng senador kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.
Sa inilabas na statement nitong Hulyo 18, sinabi ng opisina ng senador na hindi nila hahayaang baluktutin ang naging posisyon ni Padilla upang umayon umano sa isang "convenient political narrative."
Ayon sa pahayag, “We will not allow PCG Rear Admiral Jay Tarriela to twist Senator Robin Padilla’s words to fit a convenient political narrative.”
Iginiit din ng tanggapan ng senador na nauna na nilang kinondena ang AI-generated video na ikinalat umano ng Chinese media at nilinaw na hindi ito nangangahulugang dapat manahimik sa paggamit ng umano'y mapanulsol na mensahe ng ilang opisyal ng pamahalaan.
“The Senator and his office have already condemned the offensive AI-generated video circulated by Chinese media. That position is clear. But condemning Chinese propaganda does not mean we should remain silent about the use of inflammatory caricatures and wartime propaganda tactics by our own government officials,” anang opisina ng senador.
Binigyang-diin din ng opisina ni Padilla na may mas mabigat na pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan sa kanilang mga pampublikong pahayag, lalo na kung may kaugnayan ito sa diplomasya at pambansang seguridad.
“As an officer serving under the Executive Branch, Rear Admiral Tarriela carries a responsibility beyond social media engagement. His public statements and presentations have consequences for diplomacy, national security, and the Filipino people,” anila.
Nilinaw rin ng tanggapan ng senador na nananatili ang kaniyang posisyon na ipagtanggol ang soberanya ng bansa at kondenahin ang anumang pang-iinsulto sa mga Pilipino, ngunit dapat umano itong isagawa nang may pananagutan.
“Senator Padilla’s point remains: defend our sovereignty, condemn insults against Filipinos, and stand up to harassment in the West Philippine Sea—but do so responsibly. Patriotism should not be reduced to a contest over who can provoke the loudest reaction,” ayon sa pahayag.
Matatandaang sinagot ni Tarriela ang pahayag ni Padilla noong Biyernes, Hulyo 17 na nagdidiin sa kaniya na nagpapalala umano ng sitwasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
"Senator Robin Padilla, with all due respect, our transparency initiative is not wartime propaganda. It is simply a means to expose Chinese aggression and harassment — particularly against our Filipino fishermen and our PCG and BFAR vessels. We do not create the incidents; we only document them," ani Tarriela.
Banat pa niya, "Secondly, I believe it is an insult to the more than 26 million Filipinos who voted for you na tinanggap ninyo po na unggoy tayo."
KAUGNAY NA BALITA: ‘Hindi unggoy ang mga Pilipino!’ Jay Tarriela, Sen. Robin, nagpuksaan sa social media!