July 19, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dustin Yu, naghihintay na lang sagutin ni Bianca de Vera

Dustin Yu, naghihintay na lang sagutin ni Bianca de Vera
Photo Courtesy: Dustin Yu (FB)

Naurirat muli ang real-score sa pagitan nina dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemates Dustin Yu at Bianca de Vera.

Sumalang bilang guest sina Dustin at Bianca sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hulyo 18. Kabilang sa mga nahigip sa usapan ay kung opsiyal na nga ba ang relasyon ng dalawa. 

“Kayo na ba talaga?” tanong ni Boy.

“Honesty,” sabi ni Dustin, “naghihintay na lang talaga ako ng sagot. And kung talagang kailangan kong maghintay habambuhay, gagawin ko.”

Sundot tuloy ng Asia’s King of Talk, “Bakit mo naman hahayaang habambuhay maghintay, Bianca? Bakit hindi mo pa siya sinasagot?”

Relasyon at Hiwalayan

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte engaged na!

“I think, hindi rin naman kami nagmamadali. I mean, we have so much together. Dustin is a great guy. I think he is the most consistent man I’ve ever met in my whole life, well, of course, beside my Dad,” sagot ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Grabe rin kasing manindigan si Dustin, which I admired. We’re not running out of time.”

Samantala, ayon kay Dustin, lagi raw niyang tinitiyak kay Bianca na i-enjoy lang nila ang kanilang journey.

Ngunit kung pagbabasehan ang birthday greeting ni Bianca noon kay Dustin, best friend forever ang turing niya sa huli.

Ito ay kahit umamin si Dustin sa isang panayam noong Enero na nahulog umano ang loob niya kay Bianca.

Maki-Balita: Dustin Yu, Bianca De Vera BFF lang?