Nagbigay ng reaksyon si Kapuso Sparkle artist Kyline Alcantara sa kumakalat na intrigang may namamagitan umano sa kanila ng ex-boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, inungkat ni Boy ang tungkol sa pagiging guest ni Sam sa nasabing programa.
Aniya, napag-usapan umano nila ni Sam ang tungkol sa intriga tungkol sa pagitan nito at ni Kyline.
Sabi naman ni Kyline, malay umano siyang nali-link siya kay Sam. Ngunit nagulat at natawa pa rin siya sa nasagap na tsika.
“Nakikita ko po siya sa social media. Nagulat po ako. Katulad po ng sabi ni Sam, napag-usapan na po namin ‘yon kung anong nangyayari sa social media. And natawa na lang din po ako,” saad ni Kyline.
Dagdag pa niya, "Parang bakit gano'n? And then para sa akin po, 'yong mga tao talaga, porke't may nakikita silang kasama, whether mapa-babae or lalaki, they assume immediately na they're together na.”
Ayon sa aktres, sa isang dinner event daw sila naispatang magkasama ni Sam kung saan naimbitahan siya ng founders at resident doctors ng isang luxury aesthetic at dermatology clinic.
Matatandaang nauna na ring itanggi ni Sam ang tsika tungkol sa kanila ni Kyline sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hunyo.
Bukod kay Kyline, na-link din kay Sam ang isa pang Kapuso actress na si Faith Da Silva.
Ito matapos silang mamataang magkasama sa concert ng singer at America's Got Talent Season 20 winner na si Jessica Sanchez noong Mayo.
Maki-Balita: Sam Verzosa, Faith Da Silva nagkakamabutihan nga ba?
Ngunit pinabulaanan niya rin ang tungkol dito.